-29-
Seryoso. As in seryoso talaga ako. Feeling ko kanina, mamamatay nako.
Pag naglalakad ako papuntang at pauwing opisina, naka iPod lang ako. Tas pinili ko lang basta ang in-ear na earphone para wala akong naririnig from the outside world.
Kanina, papauwi nako, sa LRT-1, mga bandang 9:15-ish. As per usual, nakikinig lang ako sa soundtrack ng 500 days of Summer.
Naka tayo at naka sandal ako sa may pintuan naka harap paharap, so hindi ko nakikita yung mga nanyayari sa likod. Nung nasa V. Mapa station na kami napansin ko lang, yung mga tao eh nakatingin lahat sa likod, tas yun dumaan si MG, tas lumabas, sinenyalesan nya yung MG sa wag muna isara yung pinto. Tas napansin ko, habang nakatingin parin yung mga tao sa likod ko, andami biglang tao sa labas. Tas mukha silang kinakabahan!
Syempre kinabahan na agad ako!Tumingin na ako na sa likod ko!
Syeet alam mo yun, walang tao sa likod. Well, meron, pero yung mga taong yun, naka tingin din sa puwang namin na walang tao. Siguro mga 6 seats (tatlong magkaharapan) din yung biglang nabakante! nakakatakooot!
Tinanggal ko agad ang earphones ko.
Alam mo, syet bigla akong natakot. Ang narinig ko kasi, alam mo yung tunog ng sumisingaw na gas, ganon. Hindi ko lam kung ganon talaga kasi wala akong naaamoy, pero rinig mo na may sumisingaw na something.
Ugh, I was literally waiting for a loud explosion that would eventually kill me.
Tas parang nagagalit ako, mura ako ng mura! “P&@*&Wina, bat walang flashback! Mamamatay nako, di nagfa-flashback ang buhay kooo!” Pero sa isip ko lang syemps
Na-realize ko rin na hindi pako handang mamatay. Sure, pag namatay ako, ok lang sakin. Pramis, no hard feelings. Pero narealise ko na preferred kong mabuhay kesa sa mamatay. Ewan, in love siguro ako at meron ako biglang “reason for living” o gusto ko matikman muna yung San Marino corned tuna bago ako mamatay. Basta kanina, I was scared. I was scared of dying.
Kasi tingin ko pag ok lang naman sakin mamatay, di ko naman mararamdaman yung naramdaman ko kanina na pagka-aning nung narinig ko yung sumisingaw na something.
Marami pa akong gusto gawin. Gusto kong pumuntang India at kumain ng pagkain nila. Gusto kong pumuntang Ankor Wat. Gusto kong tapusin ang Post Secrets na books.Gusto kong mag 22nd birthday. Gusto ko matuloy ang weekend get away bonanza ko. Gusto ko mag mountain climb. Gusto ko ulit mapanood ang Sugarfree with MSO.
Gusto ko makilala si kuya rockstar na lagi kong nakikita sa Skyline pag lunch. Gusto kong magpakasal sa loob ng 40 years (haha!) – pref sa kuya na nakikita ko sa Skyline pag lunch hahaha! or ke dennis trillo.
Gusto ko matuto lumangoy. Gusto ko sabihin ang pinaka hardcore na sikreto ko sa isang tao (as in life-changing hardcore). Gusto ko magka-tuta.
At gusto ko ipagtapat ang aking wagas na pag-ibig sa iyo. Meganon.
Ang masaklap nun, ang huli kong pinakinggang kanta eh Quelqu’un M’a Dit ni Carla Bruni. Ang huli kong napakinggang kanta sa buong buhay ko eh isang kantang hindi ko maintindihan.
Saklap.
Anong nangyari? Sabi ni MG wala lang raw yun. Wala, sa Pureza palang bumaba nako at nagjeep pa-Legarda.
*bow*
